Monday, March 12, 2007

"doon po sa amin"

Doon po sa amin sa isang maliit na baryo, bagamat huli sa mga kasangkapang bago,

Minanang tradisyon ay hindi namin binabago.

Doon po sa amin, sa twing may okasyon, mga bagong kutasara, baso at tasa ang inilalabas ni ina,

yun daw ay para sa natatanging bisita,

ang mga kurtina na di ko man lang nakita pagdating ng pyesta may banderitas pa.

Doon po sa amin sa twing kami ay kakain, pamilya ay sabay sabay kahit ano ang nakahain,

Kutsara at tinidor ay di na hihilingin, magaspang na kamay, idamdampot sa kanin.

Doon po sa amin, nakaugaliang pagmamano, di nakakaligtaan ng sinumang tao.

Ang po at opo, na kanilang itinuro, mula noon hanggang ngayon buong giliw binibigkas

Doon po sa amin, masarap ang bangus kapag ito ay inihaw sawsawan ay kamatis, sa mga inuman madalas ito ay pulutan.

Alak na inutang sa tindahan ni “Ka Mameng” bukas sigurado ikaw ay nasa dyaryo.

Doon po sa amin tradisyong pamamanhikan, kahit na makaluma ay amin pang ginagawa,

Kahit walang-wala ibebenta ang kalabaw o kaya ang lupa lupa ay isasanla.

Doon po sa amin, kapag walang ilaw asahan mo ang kabataan ay di magkamayaw,

Sina tiyo at tiya nagkukwentuhan sa may beranda, habang si ama at ina humahabol pa ng isa.

Doon po sa amin, kapag araw ng lingo, sa bawat kanto na iyong madaanan

May mga grupong nakatambay may hawak-hawak na tagay,

Doon po sa amin kapag panahon ng anihan, mayron kaming kaugalian na kung tawagin ay “Pipigan”

Kung saan ang palay ay binabayo ng lubusan, ng mga matatandang parang walang kapaguran,

habang ang mga Kabataan ay panay suyuan.

Doon po sa amin, kapag may nagkagustuhan ngunit hadlang ang magulang, pusong mapusok dadaanin sa tanan,

Ano nga naman ang magagawa kung may laman na ang tiyan.

Doon po sa amin kahit probinsya kung tawagin, masaya ang tao at simple lang ang hanagarin

Tumama sa lotto at maging milyonaryo…

No comments: