Tuesday, March 13, 2007

balik tanaw!

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pangKAUNLARAN..............
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sapaaralan; Walang mga bakod at gate angmagkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga,singko sa hapon; Merong free ang mga patpat ng icedrop: buko man o munggo Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sakanila ay Maestro/a Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mokakilala. Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic,o kaya sa tumana; Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal'soffice o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka saexam; Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak... Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mokakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy'snoon Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindibinili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan atdarigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter)na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkongpako para sa preno; patining na pinitpit na tansanlang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid(pwede pang makipag-lagutan); sumpak, pilatok,boca-boca, borador, atbpa. Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:kasi laro nga iyon. Maraming usong laro at maraming kasali: laste,gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kahang Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo paramakahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, peroingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mopa rin; Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mokasi nakasalampak ka sa lupa. Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa hightechnology... di ba minsan nangarap ka na rin... masmasaya noong araw! Sana pwedeng maibalik... Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay,nakikidnap, maraming addict at masasamang loob... Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga loloat lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nilatayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Nauna silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo... Balik tayo sa nakaraan kahit saglit.. Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys. Tayo noon... Doon ...Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapagmaliwanag ang buwan; Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ngmga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa "MgaAninong Gumagalaw" Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table nakabisado na tin, kasi wala namang calculator. Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ; Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igibng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae; Inaasbaran ng mga suberbiyo; Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro obuntot-page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sapwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon? Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan; Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kayang lukaok, susuwi at espada? Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ngbata... Estigo santo kapag nagmamano. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre"; Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasimay tinola! Yung crush mo? Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho? Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron panglibreng singsing) o kaya nougat o karamel; Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, masmasaya kung inuyat; Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos naang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ngapoy. Madami pa... Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sapagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pagisawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapaginalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasipuno na ng kanin... Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tulika; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mosa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit parasa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirolang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mokasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin salaylayan... May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakilingkang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk. Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habangina-alaala iyon... Di ba noon... Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sadalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta diulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"... Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen.How how the carabao batuten... Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi angpinaka-mayaman; Masaya na tayo basta sama-sama kahithati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sapagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasarka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sapitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen. Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin perosila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkasotayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi. Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN! Pustahan tayo nakangiti ka pa rin! Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas,ibig sabihin lang niyan ay............ matanda ka na din....

No comments: