Akin pang naaalala nung ako ay musmos pa,
Kapag wala si ama at ina
Ikaw ang aking kasa-kasama;
Sa likod ng bisekleta ako ay iyong karga;
Minsan kang di kumakain maibigay lang sa akin,
Ang iyong pagdisiplina sa puso ko ay naukit
Ang iyong pag-alaga sa isip ko ay nakintal;
Ang sanga ng bayabas pamalo mo sa akin
Sa tw’ing ang dila ay nagsisinungaling
Minsang sa laruan ako ay nagtagal
Ang iyong sipol sumisibat agad sa hangin
Hudyat na ako ay dapat pauwiin
Huli ng ilang minuto sa ating pagkain;
Agad kang kukuha ng butil ng asin;
Akoy luluhod kapatawaran mo ay hiling.
Na sa susunod ay din a uulitin.
Sa puno ng mangga ikaw ay aakyat
Iyong ibabagsak mga bungang kay sarap
Aking iipunin at ilalagay sa kaing;
Di ko malilimutan ang panahong kapiling ka
Ikaw din ang nagturo na humabi ng letra,
Sa entablado ng eskwela gusto mo akong sumasampa
Di ka naman napahiya at aking kinaya
Noong ikaw ay malakas pa alas kwatro pa lang ng umaga
Ako ay gigisingin upang lumabas at magpahangin,
Sabay nating lalakarin mula kapilya hanggang atin;
Ngunit ngayong wala ka na “Lolo/amba” kumusta ka?
Alam ko sa piling Niya ganap kang masaya;
Di ko malilimutan ang iyong alaala
- isko
-march 15 2007
-inspired by amba
1 comment:
Post a Comment