Friday, March 9, 2007

piyesa

kagabi medyo may kalaksan ag ulan, siguro around 10:30 na yun, di ako makatulog kaya i decided na bumili ng apat na beer in can sa may ibaba ng bahay, may kataasan ang baha kaya nagpalit ako ng suot kong jogging pants baka kasi mabasa. Habang nakaupo na ako sa may beranda ng apartent na aking tinutulyan e kasabay ang paglagok ng serbesa na di alintana ang sobrang ginaw.

Wala akong kasama nung mga araw na yun, walang sign ng pagpaparamdam ng barkada or kahit text man lang, siguro mga busy din. May kabigatan ang bagsak ng ulan at matindi ang hampas ng hangin sa mga puno at halaman ganun din sa mga haligi ng bahay.

Mula sa aking kinauupuan e nakikita ko ang mga sasakyan kung paano ito pinaglalaruan ng baha. Walang kuryente ng mga sandaling iyon, tanging kulog at kidlat ang wari koy walang tigil sa pagbabangayan habang ang malakas na pagbugkso ng ulan ay tila nanunukso pa ang naglalaro sa aking isipan.

Pasado alas dose na ng hating gabi hindi pa rin ako dinadapuan ng antok,ganun din ang panahon na para bang sinasamahan ako ng mga sandaling iyon.

Since wala akong magawa kinuha ko ang telepono ko para malibang, agad bumungad ang pangalan mo at bigla kitang naalala nung mabasa ko ang mga message mo, sobra kitang na miss at halos ako ay mapamura, andaming laman ng inbox ko lahat yun galing sayo, tuloy pa rin ako sa pagbabasa scrolldown, option click, kahit forwarded message lang yung iba, nag enjoy naman akong basahin, very surprising lang kasi yung date ng makita ko February 13, 2006. May katagalan na pala mga tipong sentimental, sarcastic at kung anu ano pa ang tema ng mensahe mo.

Sa kakabasa ko tuluyan akong na hooked sayo. How i wish gf kita at bf mo ako, pero parang ang hirap mangyare at nakakapagod isipin ang huwad na ilusyon na yun, dahil malayo ako at lumalayo ka pa.

Dami kong gustog balikan. Katulad ng 007, na every single day e nag aappear sa received calls ko, na eexcite kasi akong sagutin ang mga tawag na yun kasi iniisip ko ikaw agad yun, Nakakatawa ngang isipin na para bang ang telepono ko e umiikot lang sa misteryosong gaya mo....Galing no!?

Halos tapos ko ng basahin lahat, ngunit hindi pa rin natitinag ang lakas ng hangin at ulan patuloy pa rin ang paghambalos at pagbagsak, wala pa ring kuryente at baha pa rin sa kalye,

Samantalang ako kahit hindi pa inaantok ay minabuti ko ng sa loob na lang magpalipas ng oras. Ala una y' medya na kasi at nanunuot na sa balat ko ang ginaw, kahit madilim ay titiisin ko na lang..

Kunyare na lang ikaw ikaw ang aking unan at ang kumot ko ay ang iyong katawan...

Sayang talaga at di kita kasama...kaya siguro mas mabuti ng hindi na lang ako aasa.

No comments: